Miyerkules, Setyembre 14, 2016

Mag-Kaibigan na napunta sa Pagka-Ibigan

May dalawang tapat na mag-kaibigan na nangangalang Ela at Neo, Si Ela ay isang mahinhin at mabait sa kanyang nakakasalamuha isang araw ay may umakyat ng ligaw sa dalaga nasi Jay, Ipinaalam agad ito ni Ela kay Neo na may gustong manligaw sakanya hindi sukat akalain ni Ela na magkamag-anak si Neo at Jay. Sinabi nya ito kay Neo na ayaw nya magpaligaw kay Jay dahil wala syang nararamdaman na pag-ibig dito
"Magpanggap nalang tayu para tigilan kana ni Jay" banggit ni Neo,  Agad na pumayag si Ela sa alok ni Neo. At tinigilan nga ni Jay si Ela.

Sa kabilang banda nagkausap ang dalawang magkaibigan nasi Ela at Neo.
Hindi na maitago ni Neo ang kanyang tunay na nararamdaman sa kaibigan agad itong nagtapat na ang kanilang pagpapanggap ay totohanin na lamang dahil nagiging toto na. Laking gulat ni Ela na may halong tuwa dahil hindi nya lubos akalain na magtatapat ito sakanya. "Ngunit masisira ang ating pagkakaibigan kapag naging tay! "
banggit ni Ela "magtiwala ka lamang saakin dahil higit na pagkakaibigan ang itinuturi ko sayu" sagot naman ni Neo. Pumayag nanga si Ela dahil higit na pagkakaibigan din ang turi nya dito.

Sa kabila ng kanilang pagsasama maraming away at masasayang pangyayari sa kanilang relasyon pero hindi ito naging hadlang para mabuwag ang kanilang pagsasama.